Mga Gusto Kong Gawin…

February 21, 2008

tagalog post naman…

 

 

Mga bagay na gusto kong gawin

Audition – As in Audition Online Dance Battle (Ph). Eto yung laro kinaadikan ko dati, eh bigla ko nalang in-uninstall tapos pag-install ayaw na niya sabi, “NO connection to the e-games webserver can be established” hay nako.

Keyboard – ang tagal tagal ko nang naggigitara pero parang di naman ako gumagaling (sa totoo lang) gusto ko naman matuto ng ibang instrumento, keyboard sana, gusto ko kasing tugtugin yung mga anime na kanta (parang midi version)

Sew -pangarap ko na dati pang magka sewing machine, tumahi ng kung anu ano, pero sa bakasyon, papraktisan ko muna sa kamay lang at karayom.Gusto ko rin ulit magcross-stitch at mag-gantsilyo, at matuto ng iba na related sa kanila.

Crafts – mga kung anu-anong bagay galing sa recycled junk, basta mukhang ayos naman, cute at makabuluhan ang kalalabasan.

Multimedia – as in photoshop, after effects, premiere, flash, etc… baka kailanganin ko ang mga ito, pang-extra info sa resume haha, ewan. pero ewan ko, feeling ko masyado na kasing uso, minsan pare-pareho na ang mga nakikita na gawa ng ibang tao, yung iba walang originality (tulad ko noon at minsan) kaya talagang nakakahanga kung may bago at kakaiba akong nakikita sa mga blogs at iba pang gawa ng mga “artists.”

Drawing, arts – gusto ko yung traditional naman ang matutuhan ko, yung hindi naman photoshop, pero ok lang kung photoshop hehe, alam ko mahirap parin yon kahit may “undo” at “instant fixes” …Yun nga, gusto kong matuto o magtry na magpaint, at iba pang approach sa art para makadevelop ng aking sariling technique (parang naruto, lol) o style (yon ang tamang term) eto ang paborito ko, check nyo: MALL

Deviantart – naalala ko pa nung araw, ang pagkahumaling ko sa first active account ko pero nung wala akong scanner, walang tablet at wala narin enough time sa pagd-drawing, hindi ko na inupdate, pero may plano parin.

Manga/anime/movies - ang dami nila, nakalinya lang para basahin at panoorin ko.hehe.

Websites/blog - Gusto ko rin magkaroon ng permanent home online.

Work – Syempre kung graduate na ko, dapat lang na magtrabaho na ko, syempre di na ko dapat umasa sa parents ko, dapat sila naman ang serbisyuhan ko. :P

Hehe, yan, kaya sana makagraduate na talaga ko. Godbless. :P

Hello world!

February 20, 2008

Hello blogging world again. This is my temporary blog. I really want to blog, but i don’t have the time to make layouts, fix and review about html and wordpress and stuff. In a month+ time Hopefully, i will graduate college. And now i’m quite busy. I’ve decided to use wordpress because (i think) it’s easy to customize. A real generator.

I want to keep in touch with online friends too. I enjoy reading blogs, viewing pictures, taking information. In my (about) 3 years of blogging, i’ve learned many things from many people :P

Haha. Of course i love to read comments too. :P

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.